Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Vigan City

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Vigan City

1
0

ILOCOS SUR, Philippines – Patay ang isang 56-anyos na babai samantalang dalawang lalaki ang sugatan sa nangyaring shooting incident sa harap ng Land Registry Authority (LRA) sa Vigan City nitong umaga ng Lunes, Setyembre 28.

Ayon sa Vigan CPS, ang babaing biktima ay residente ng San Vicente, Ilocos Sur.

Ang dalawang lalaking sugatan ay  edad 41 at 42. Residente ng Vigan City ang isa samantalang ang isa ay  residente naman ng Sta. Maria, Ilocos Sur.

Kalalabas lang umano ng babaing biktima mula sa LRA at papasakay na sa kanyang sasakyan nang makarinig ng putok ng baril ang guard ng naturang establisyemento.

Nang lumabas ang guard para tingnan ang kung ano ang nangyari, nakita niya ang babaing biktima na duguang nakabulagta habang ang isa sa mga lalaking biktima ay nakaupo malapit sa kanilang sasakyan na may sugat din o gunshot wound.

Tumakbo naman papunta sa loob ng  LRA ang isa pang lalaking biktima para humingi ng tulong.

Isinugod sa Metro Cooperative Hospital ang tatlong biktima.

Gayunman, ang babaing biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Sa ngayon ay wala pang ideya ang mga kapulisan kung sino at ilan  ang mga suspek na bumaril sa mga biktima.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang suspek o mga suspek. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here