MANILA, Philippines – Natagpuan ang dalawang bangkay sa magkaibang lugar sa ilog sa Tarlac City.
Ayon sa ulat, ang bangkay ay isang lalaki at isang babae.
Nakita ang katawan ng isang 86-anyos na lalaki na residente umano ng Barangay San Vicente na unang iniulat na nawawala noong Setyembre 23.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng lalaki.
“According to his son baka tatawid siya ng ilog kasi ang sabi ng anak niya baka hihingi ng pera sa kapatid niya sa kabilang baryo,” ayon kay Police Lt. Col. Glen Santiago, hepe ng Tarlac City Police Station.
Samantala, nakita rin sa ilog sa Barangay Salapungan ang bangkay ng isang babae na pinaniniwalaang nalunod.
Sa kabila nito ay wala pang kumpirmasyon ang mga awtoridad sa tunay na sanhi ng pagkamatay nito.
Nagpapatuloy din ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC