Home HOME BANNER STORY 8-anyos patay, lola at 4 iba pa sugatan sa sumabog na bomba

8-anyos patay, lola at 4 iba pa sugatan sa sumabog na bomba

4
0

ROXAS, Isabela – Halos naliligo na sa sariling dugo at nagkanlasog-lasug ang ibang parte ng katawan ng 8-anyos na batang lalaki at limang iba pa kabilang ang isang lola matapos masabugan sila ng bomba sa Purok Raniag, Brgy Sinamar, Roxas, Isabela, umaga ng Linggo, Oktubre 4.

Dead on arrival ang biktimang si alyas “JM”, 8 anyos, Grade 3 habang sugatan naman ang isang lola na si Gloria, 85-anyos kabilang sina alyas “CJ”, alyas “PJ”, alyas “AP” at alyas “JJ” na pawang mga menor de edad at kapwa mga nakatira sa nasabing lugar.

Bumungad sa mga rumespondeng pulis ang nakahandusay na biktima na si alyas JM at agad na itinakbo sa pagamutan kabilang ang iba pang sugatan.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin ginagamot sa isang ospital sa nabanggit na bayan.

Una rito, isang babae umano ang nakakita sa mga biktima na naglalakad sa kalsada bago mangyari ang insidente.

Ilang saglit pa ay nakarinig umano siya ng malakas na pagsabog at nang lingunin nito ang pinanggalingan ng tunog ay nakita na nito ang mga nakahandusay na biktima.

Sa ngayon ay blanko pa rin ang kapulisan kung anong uri ng bomba ang kumitil sa bata at ikinasugat ng iba pa.

Inaalam na rin ng pulisya kung saan galing at kanino nagmamay-ari kung bakit hawak ng mga batang biktima kasama ang isang lola. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here