Home NATIONWIDE Barbers: Parehong account ng Cale88 sa Security Bank, isinara noong Hulyo 2026;...

Barbers: Parehong account ng Cale88 sa Security Bank, isinara noong Hulyo 2026; pera saan napunta?

4
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si impeachment adviser at trial spokesperson Ace Barbers sa mga awtoridad na sundan ang money trail matapos marinig ng Senate Impeachment Court na parehong isinara noong Hulyo 2026 ang dalawang checking account ng Cale88 Foods Corp. sa Security Bank.

“Dalawang account. Parehong isinara noong July 2026. Ang simpleng tanong: saan napunta ang pera?” ani Barbers.

Ayon sa testimonya ni Security Bank witness Leslie Cham, binuksan ang unang checking account ng Cale88 noong Agosto 2024 at ang ikalawa noong Oktubre 2025. Noong Disyembre 2025, may ending balance ang mga ito na ₱332,530.95 at ₱21,164.27. Pagsapit ng Hulyo 2026, parehong isinara ang mga account.

“August 2024, binuksan ang unang account. October 2025, binuksan ang pangalawa. December 2025, may laman pa. July 2026, parehong sarado. Saan napunta ang pera?” tanong muli Barbers.

Ayon kay Barbers, dapat itong maging dahilan para alamin ng mga awtoridad kung may iba pang account na may kaugnayan sa impeachment proceedings na isinara na rin.

Dapat ding alamin ng mga awtoridad kung may isinara o inilipat na account bilang paghahanda sa imbestigasyon o sa posibleng legal na hakbang para mapanatili ang mga ari-arian.

Giit ni Barbers, hindi binubura ng pagsasara ng bank account ang kasaysayan ng mga transaksiyon nito.

“You can close the account. You cannot close the money trail. May pinanggalingan ang pera. May pinuntahan ang pera. Sundan hanggang dulo,” paliwanag nito.

Mas mahalaga umano ang pagsubaybay sa pondo kung mapapatunayan sa legal na proseso na galing ito o konektado sa ilegal na transaksiyon.

Ayon sa kanya, dapat sundan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang financial trail at, kung may legal na batayan, tukuyin at pangalagaan ang mga ari-ariang maaaring i-forfeit o mabawi.

“Hindi kailangang manghula. Bank records ang sundan. Kung na-withdraw, may record. Kung na-transfer, may destination. Kung ginamit sa ibang transaction, sundan kung saan humantong,” sabi ni Barbers.

“Follow the money. Find the assets. And if the law establishes that any of it came from illegal transactions, recover every peso that can lawfully be recovered,” pagtatapops pa ni Barvbers. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here