Home NATIONWIDE Balahasan sa Gabinete pinabulaanan ni Dizon, ‘wag maniwala

Balahasan sa Gabinete pinabulaanan ni Dizon, ‘wag maniwala

2
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon nitong Huwebes, Oktubre 8 ang mga ulat na babalik siya bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ginawa ni Dizon ang pahayag nang hingan ng komento kaugnay ng kumakalat na balita ng Cabinet revamp kung saan muli umano siyang mamumuno sa DOTr.

Naupo si Dizon bilang DOTr secretary noong Pebrero 2025 kapalit ni Jaime Bautista na nagbitiw dahil sa isyu sa kalusugan.

Pagkalipas ng halos pitong buwan, inilipat siya bilang pinuno ng Department of Public Works and Highways matapos magbitiw si Manuel Bonoan sa gitna ng mga anomalya kaugnay ng flood control projects sa ahensya.

Pinalitan siya ni Giovanni Lopez bilang bagong Transport secretary.

Una na ring sinabi ng tagapagsalita ng Palasyo na walang impormasyon kaugnay ng revamp sa pamumuno ni Dizon.

Noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na pinalawig ang appointment nina Dizon at Lopez bilang acting secretaries ng kani-kanilang ahensya.

Aniya, isusumite ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kumpirmasyon sa Commission on Appointments ang kanilang appointment. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here