Home ENTERTAINMENT Direktor ng Drug War, may pinaghugutan sa tapang!

Direktor ng Drug War, may pinaghugutan sa tapang!

3
0

Manila, Philippines – Matapang ang six-part Filipino crime-drama series na Drug War: A Conspiracy of Silence.

Ipinakita sa pelilula ang lupit na nangyari nu’ng panahon ng drug war at kung paano naapektuhan ang pamilya ng mga nabiktima nito.

Pinalakpakan at hinangaan ang mga nasa likod ng project kasama sina direk Shugo Praico at mga writers na sina Jonathan Guillermo at Noreen Capili.

Sinabi ni Direk Shugo na ipinakita nila ang iba’t ibang perspektibo ng subject.

“The audience can relate to it pati na ang mga pamilya at mga kakilala.

“‘Yung mga characters na binuo namin sa series ay based from our research and interviews at naging malawak ang narrative namin para mas maraming audience ang maka-relate,” paliwanag ni Direk.

Inamin ni Direk Shugo na may mga threats siyang natatanggap dahil sa serye na ito.

“May mga threats pero hindi naman siya seryoso. Kumabaga ‘yung mga nakikita sa comments section sa social media, hanggang doon lang,” sabi pa niya.

Lahat ng nakapanood ay nagsabing matapang at malalim ang dating ng serye. Saan ba humugot ng tapang ang mga nasa likod ng project para ituloy ito!

“‘Yun nga kwento at mga real life stories ng biktima ng drug war ang talagang nagbibigay sa amin ng tapang to make this kind of movie. Sila ang nagsisilbing inspirasyon sa amin para gawin ang ganitong klase ng mga projects,” sabi pa ni Direk Shugo.

Idinenay din ni Direk ang mga lumalabas na balitang may funding sila na natanggap from the Marcos administration.

“This is not backed by any political larty much more ng admin. Thus is a project by Rein Entertainment,” pagdidiin ni Direk.

FYI, ang executive producer ng serye ay si Lino Cayetano na General Manager ngayon ng PTV4.

Napanood namin ang isang episode at malakas at nagmarka sa amin ang isang linya ng bida na si Ian Veneracion: “Bakit ko poproblemahin ang laban na hindi ko naman laban!” JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here