Home NATIONWIDE Lalaki pumasok sa restricted area ng NAIA, arestado

Lalaki pumasok sa restricted area ng NAIA, arestado

3
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 35-anyos na lalaki matapos umanong akyatin ang perimeter fence at pumasok sa restricted airfield operational area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Miyerkules, Oktubre 7.

Rumesponde ang mga tauhan ng NAIA Police Station 1, katuwang ang General Aviation Police Station, at dinala ang suspek sa himpilan para sa dokumentasyon at imbestigasyon.

Batay sa paunang beripikasyon, wala umanong negatibong rekord ang lalaki sa Philippine National Police (PNP) e-Warrant check. Gayunman, nagpahayag ng intensiyong magsampa ng reklamo ang kinatawan ng New NAIA Infrastructure Corp. dahil sa umano’y ilegal na pagpasok.

Posibleng lumabag ang suspek sa Article 281 ng Revised Penal Code at Section 81(B)(5), Chapter XI ng Republic Act 9497 o Civil Aviation Authority Act of 2008.

Pinuri ni PNP Aviation Security Group Director Police Brig. Gen. Dionisio B. Bartolome Jr. ang mabilis na pagresponde ng mga tauhan.

“Sa mabilis na pagtugon at maayos na koordinasyon ng ating mga personnel, agad nating naaksyunan ang insidente at napanatili ang seguridad sa paliparan,” ani Bartolome. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here