Home ENTERTAINMENT Dennis, handang makipag-usap kay Patrick!

Dennis, handang makipag-usap kay Patrick!

2
0

Manila, Philippines – Nilinaw ni Dennis Trillo sa latest na panayam sa kanya na open siya sa posibilidad na makipagkasundo kay Patrick Garcia.

Sa naging pasabog nito sa vlog interview ni Ogie Diaz, hindi nangiming inamin ng Kapuso actor that he and wife Jennylyn Mercado were caught surprised.

Sobrang tagal na nga naman ang binuhay na isyu gayong tahimik na ang mga taong involved at naka-move on na.

Gayunpaman, nangyari na daw ‘yan–at ang inaabangan nga’y ang pag-aayos nilang lahat.

Ani Dennis: “Sa totoo lang, wala namang problema doon, eh.

“Siyempre, ngayon mas mahirap lang kasi nagkaroon ng ganyan.

“Pero lahat naman ito, nadadaan sa mabuting usapan.

“Kung dumiretso lang sana siya (Patrick) aa amin at hindi idinaan sa ibang tao, hindi na sana nagkaroon ng ganitong pag-uusap.”

Kinlaro din ni Dennis na ipinagtanggol lang niya ang kanyang pamilya.

“I will protect my family at all cost,” sabay umaasang matapos na sana ang bashing.

“Huwag na nating idamay ang mga bata dahil at the end of the day, sila ang buhay natin, sila ang pinoprotektahan natin, sila ang mga mahal natin.

“Ayaw nating masangkot pa sila sa mga ganitong kaguluhan.”

Samantala, naliwangan din ang aktor na walang masamang intensyon ang programang Chika Cart, o may kinikilingan ito sa isyu: “Peace to all and spread love.”

Peace, peace, peace…love, love, love. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here