Nagpahayag ng mensahe si Senator Joel Villanueva sa pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Oktubre 10, 2026.
Libu-libong miyembro ng simbahan ang nagtipon para sa naturang pagdiriwang na nagsimula alas-3 ng hapon at may temang “Abba Father,” na nagbibigay-diin sa pananampalataya at ugnayan ng mga mananampalataya sa Diyos.
Itinatag noong 1978 ni Brother Eddie Villanueva, lumawak ang JIL Church Worldwide sa iba’t ibang panig ng mundo at iniulat na mayroon nang mahigit isang milyong miyembro. RNT