Home METRO Isa patay, isa sugatan sa salpukan ng 2 motor sa Batangas

Isa patay, isa sugatan sa salpukan ng 2 motor sa Batangas

4
0

Batangas – Isang hindi nakilalang rider ang naiulat na nasawi at isa ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo nitong Martes, Oktubre 13, sa kahabaan ng Bypass Road, Barangay Palsahingin, bayan ng San Pascual.

Kapwa isinugod ang dalawang driver ng motorsiklo sa San Pascual De Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang hindi nakikilalang driver ng Suzuki Raider 150 na may plakang 4542 VN, samantalang sugatan naman ang isang alyas A.J. driver ng Yamaha Mio na may plakang ND52679.

Base sa imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station, dakong alas-3:40 ng madaling araw habang kapwa binabagtas ang magkabilang linya ng dalawang motorsiklo nang bigla umanong magsalpukan ang mga ito.

Napag-alaman na ang Suzuki Raider 150 na minamaneho ng nasawi ay patungo sa direksyon ng Silangan Bypass Road kung saan pagdating umano sa San Mateo Bridge Barangay Palsahingin ay aksidenteng sumalpok ito sa Yamaha Mio at dahil sa malakas na banggaan ng dalawang motorsiklo ay kapwa tumilapon ang mga driver na ikinasawi ng hindi nakikilalang driver na pawang nagtamo ng mga sugat.

Samantalang, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here