Home METRO 3 mariang tulak laglag sa P374K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

3 mariang tulak laglag sa P374K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

3
0

Bulacan – Arestado ang tatlong babae matapos umanong mahulihan ng P374,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Oktubre 14.

Sa ula ng SJDM police kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ina”, alyas “Nor”, at alyas “Judi”.

Ayon sa ulat, naganap ang operasyon ng pulisya na may koordinasyon sa PDEA sa Brgy. Gaya-Gaya ng madaling araw ng nasabing petsa.

Nabatid na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa grupo kapalit ng marked money kaya sila inaresto ng mga pulis sa lugar.

Sa protective search o pagrekisa sa nga suspek ay nakuhanan pa ng mga pulis ng limang karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na nasa kabuuang 55 gramo at may standard drug price na P374,000.

Sinasabing ipinaalam ng mga pulis sa mga naarestong suspek ang kanilang constitutional rights.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here