Home ENTERTAINMENT McCoy de Leon, nangakong hindi papalya sa sustento sa anak!

McCoy de Leon, nangakong hindi papalya sa sustento sa anak!

4
0

Manila, Philippines – Single pa rin hanggang ngayon si McCoy de Leon, maging ang ex niyang si Elisse Joson ay loveless pa rin.

Kaya natanong ang aktor kung posible bang ligawan niya uli si Elisse after ng dalawang beses nilang paghihiwalay.

“Hindi ko po alam, e. Siguro ang Diyos na po ang makakapagsabi niyan, di ba?

“Si God naman po talaga, and ako naman, priority ko yung happiness ng baby ko. ‘Yun lang po talaga.

“Siyempre, nanay ng anak ko. Hindi naman maitanggi ‘yun na naging part siya ng career ko and same sa personal ko. Lagi naman siya may part du’n,” sagot ni McCoy.

May isang anak sina McCoy at Elisse na si Felize.

Maayos ang co-parenting set-up ng ex-couple para sa kanilang anak.

Sinisiguro ng aktor na hindi siya nagkukulang sa suporta kay Felize at ginagawa niya ang lahat upang magampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang tatay.

“Ang baby ko, laging happy. Wala namang ano, wala namang kahit na anong…lagi ko siyang tinatanong, ‘Are you happy?’ ‘Yes, I’m happy, Daddy,’ ganyan,” kwento pa niya.

“Trying my best po (bilang tatay). Honestly, hindi pa naman din ako sanay and first time ko rin.

“May mga adjustment pero hangga’t maaari, mahrap pag ano sa panahon ngayon wala kang maibibigay. Mahirap pag hindi gumagalaw.

“Inuna ko po munang ma-secure yung future ng anak ko, kahit po hindi ko siya laging nakakasama.

“Yung school niya or kung ano ang puwede niyang….actually, iniisip ko ngayon, gusto ko siyang dalhin sa ibang bansa balang araw.

“Basta gusto ko secure ‘yung future niya, masustentuhan siya lagi na hindi ako pumalya. Kasi mahirap po talaga. Ang hirap po ng panahon ko ngayon,” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here