Manila, Philippines – Hindi na rin napigilang mag-react ang fashion designer-friend ni Kris Aquino na si Michael Leyva sa pangungutya kay Joshua Aquino sa isang podcast.
Nitong nakaraan sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Michael ang video ng podcast.
Panimula niya: “I just found out that there’s a video circulating online of these grown men making fun of Kuya Joshua Aquino.
“Making Kuya Josh the subject of your so-called Machong Chismisan podcast and mocking his disability is something that I or any of us should simply let slide.”
Hindi daw deserving si Joshua na pagtawanan bilang isa siyang “genuinely kind and intelligent person.”
Patuloy ni Michael: “It’s not funny. And it will never be funny.”
Sa ngayon ay burado na ang nasabing video sa YouTube.
Pero giit ni Michael, hindi makakatakas sa kanyang ginawa ang pangungutyang ‘yon as in may criminal liability itong haharapin.
“Deleting the video will not make the issue go away. The internet keeps receipts.
“Good luck!”
Samantala, dahil sa isyung ito na sangkot si Joshua ay tinatanong ng mga netizens kung wala man lang bang reaksyon ang ama nitong si Phillip Salvador?
Baka ito naman ang sinasabing “walang kuwenta” sa video, hindi kaya? Ronnie Carrasco III