Home ENTERTAINMENT Joshua, pinagtawanan sa podcast; Netizens, nanggigil sa galit!

Joshua, pinagtawanan sa podcast; Netizens, nanggigil sa galit!

1
0

Manila, Philippines – Nanggigigil nang bonggang-bongga ang mga netizens makaraang pagtawanan at laitin si Joshua Aquino sa isang podcast.

Viral ngayon ang video clip mula sa podcast na Machong Chismisan–kung saan naging topic ang eldest child ni Kris Aquino.

Ikinumpara doon ang isa pang anak ni Kris, si Bimby.

Ang nakagpag-provoke ng galit ng mga netizens ay ang reference kay Joshua bilang “walang kuwenta.”

Sabi ng nakilalang Tito P: “Si Bimby, sobrang okey na anak. Si Josh, walang kuwenta, eh!”

Hirit pa nito, P3k daw ang baon ni Josh kada araw, pero “Nakatunganga lang siya.”

Dito na lalong umusok sa galit ang mga netizens, lalo na ang mga aware sa kundisyon ni Joshua.

Ayon sa mga netizens, if they were Kris’ family members ay idedemanda nila ang Tito P na ‘yon para matuto.

Sa dami ng nasa podcast, not one of them called out the person responsible for it–himutok pa ng mga ito.

“Respect begets respect…gagawin n’yo pang katawa-tawa si Joshua?! He’s a gentle giant son, ‘di hamak na mas fresh at guwapo kesa sa inyo.

“At least, si Josh kahit hindi magtrabaho, secure ang future niya, mga bugok!”

Will Kris heed the call?

Sige, Kris, sampolan mo nga para makita nila ang hinahanap nila!

Hmp! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here