MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang 25-anyos na construction worker makaraang naaktuhan na namumutol ng halos P300K halaga ng kable ng PLDT sa ilalim ng isang drainage sa Samplaoc, Manila Biyernes ng umaga.
Kasong paglabag sa R.A. 10515 (Anti Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) ang kinakaharap ng naarestong suspek na si Mark Vicent Jarasa, 25, binata isang contsruction worker ng Brgy 561 Zone 55, Sampaloc, Manila at kasalukuyang nakakulong sa Sampaloc Police Station..
Sa ulat, naaresto ang suspek bandang alas-5:05 ng umaga sa kahabaan ng Fajardo Street corner Quintos Street, near Legarda Elementary School, Brgy 543 Zone 54, Sampaloc, Manila matapos ireklamo ng pamunuan ng PLDT.
Sa ulat ni PSSg Ronnel Subidio ng Manila Police Dstrict(MPD) Sampaloc Police Station, , nagsasagawa ng roving inspection ang mga security guard ng PLDT sa kanilang area of responsibility (AOR) nang napansin ang suspke na pumasok s aloob ng drainage sa lugar. Nakalipas ang mga tatlumpong minuto, lumutang ang suspek at may mga dalang putol-putol na kable ng PLDT na kanyang pinutol sa ilalim ng drainage, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.
Narekober sa kanya ang isang piraso ng PLDT UG Copper cable na may sukat na 2400 pairs x 24 ga na tinatayang 1 metro ang haba na nagkakahalaga ng P260,052.29, at isang lagareng bakal. Jocelyn Tabangcura-Domenden