Home METRO Person of interest sa pamamaril sa barangay chairman sa Batangas, tukoy na!

Person of interest sa pamamaril sa barangay chairman sa Batangas, tukoy na!

3
0

BATANGAS, Philippines — Patay ang 50-anyos na si Dennis Austria, chairman ng Barangay Sta. Anastacia sa Sto. Tomas City, Batangas, matapos pagbabarilin sa kanyang tahanan noong Huwebes, Oktubre 15.

Sa press briefing nitong Biyernes, ipinakita ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co ang video kung saan makikitang naglilinis si Austria sa terrace ng kanyang bahay sa isang subdivision dakong alas-6:20 ng umaga nang barilin siya ng isang armadong lalaki.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek at sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasamahan na nagsilbing getaway vehicle.

Ayon kay Co, natukoy na ng Police Regional Office 4A (Calabarzon) ang isang person of interest at may matibay na lead na umano’y makatutulong sa pagtukoy sa bumaril.

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nag-ugat ang krimen sa dati nang alitan. Nauna umanong nagsampa si Austria ng reklamong grave threats laban sa taong nakaalitan niya.

“He had a fight with someone. He had filed a complaint against that person. This barangay captain filed a grave threat complaint against the person,” ani Co.

Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala—dalawa sa mga braso at dalawa sa ulo. Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ang apat na basyo ng bala na kalibre .45.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here