Home NATIONWIDE Ombudsman sinusuri ebidensya sa paggamit ni VP Sara sa P612.5M confidential funds

Ombudsman sinusuri ebidensya sa paggamit ni VP Sara sa P612.5M confidential funds

3
0
Dumating si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court para sa arraignment ng kanyang kasong grave threats ngayong Biyernes, Oktubre 9. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines — Nangangalap at nagsusuri ng ebidensya ang Office of the Ombudsman kaugnay ng umano’y maling paggamit ni Vice President Sara Duterte sa P612.5 milyong confidential funds para sa posibleng pagsasampa ng kaso, kung kinakailangan.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, ginagawa nila ito “for proper filing, if necessary.”

Sa impeachment trial ni Duterte, iginiit ng prosecution panel na umano’y nagamit sa maling paraan ang P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President at P112.5 milyon mula sa Department of Education (DepEd), na pinamunuan niya mula 2022 hanggang 2024.

Gayunman, inalis ng prosecution panel ang tatlo sa apat na impeachment charges noong Oktubre 13, kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umano’y panunuhol sa mga opisyal ng DepEd.

Ang natitirang kaso ay tungkol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte.

Sinabi rin ni Remulla na hihilingin nila sa prosecution panel na ibigay ang ebidensya kaugnay ng iba pang alegasyon laban sa bise presidente na hindi pa nailalahad sa publiko.

Nahaharap din si Duterte sa hiwalay na reklamong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng kanyang mga pahayag laban kay Marcos. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here