MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang education authorities and local government units na paigtingin ang seguridad sa mga school makaraang ibunyag ng Department of Education na wala pang kalahati o tinatayang 47,000 public schools ang may closed-circuit television cameras.
Sinabi ni Go, chairperson of the Senate committee on youth, na dapat tiwala ang mga magulang na protektado ang kanilang mga anak sa posibleng banta sa tuwing papasok sa mga paaralan.
“Kapag ipinagkakatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paaralan, umaasa silang ligtas ang mga ito habang nag-aaral. Kaya dapat siguraduhin nating may maayos na security measures, malinaw na protocols, at mabilis na response kapag may emergency,” ayon kay Go.
Sa deliberasyon ng House committee on basic education and culture hinggil sa panukalang school security measures, noong Oktubre 12, sinabi ni Department of Education Assistant Secretary Roger Masapol na tumaas ang public schools with CCTV cameras mula 36% noong June security and safety audit sa 49%. Tinataya ng DepEd na lahat ng public school ay magkakaroon ng CCTV systems sa 2028.
Nirekomenda ng DepEd ang lima hanggang 10 camera sa school na may 500 estudyante, 10-15 sa may 501-1,000 estudyante, at 20 sa mga campus na may mahigit 1,000 mag-aaral. Iniulat din ng departmento na halos kalahati ng public schools ang may security guards.
“Kung may CCTV pero hindi gumagana, kulang ang coverage, o walang maayos na monitoring, sayang din ang inilaan na pondo. Siguraduhin nating functional at maayos ang mga security system sa ating mga paaralan,” aniya.
Ngayong taon, inihain ni Go ang Senate Bill No. 2413, o proposed Safe Schools and Violence Prevention Act, na naglalayong i-stablish ang National Safe Schools Framework na sumasakop sa public and private basic education institutions, higher education institutions, and technical-vocational schools.
Sa ilalim ng panukala, “educational institutions would be required to prepare and regularly update School Safety and Emergency Preparedness Plans and conduct comprehensive safety risk assessments every school year. It also provides for accessible reporting systems for credible threats, weapons, severe bullying, online threats, serious self-harm risks, and other major safety concerns.”
“Ang goal natin ay prevention. Mas mabuti nang maagapan ang panganib kaysa kumilos tayo kapag may nasaktan o may buhay nang nawala,” ayon kay Go.
Binanggit din nito ang Republic Act No. 12080 o Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na kanyang iniakda ay nag-institutionalize ng mental health and well-being services in basic education and provides for school counselors and school counselor associates who can help identify and respond to behavioral, emotional, family, and mental health concerns among students.
“Gawin na natin ang mga kailangang hakbang habang maaga. Ang paaralan ay lugar para matuto, mangarap at magkaroon ng magandang kinabukasan ang ating mga anak. Tungkulin nating gawin itong ligtas para sa bawat estudyante, guro at school personnel,” pagtatapos ni Go. RNT