Home NATIONWIDE Kaso vs Legarda, Leviste malapit nang maisampa – Ombudsman Remulla

Kaso vs Legarda, Leviste malapit nang maisampa – Ombudsman Remulla

1
0

MANILA, Philippines — Malapit nang magsampa ng kasong kriminal laban kay Senador Loren Legarda at Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng hindi naideliber na suplay ng kuryente mula sa solar company ni Leviste, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Gayunman, tumanggi si Remulla na magbigay ng tiyak na petsa ng pagsasampa ng kaso.

“Malapit-lapit na ‘yan. Mapit-lapit,” ani Remulla sa isang press conference.

“I won’t give a timeframe. I’ll go back down here when we have to file the case already,” dagdag niya.

Itinanggi rin ni Remulla na may halong pamumulitika ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kina Legarda at Leviste. Aniya, nakabatay ito sa ebidensya at sa umano’y conflict of interest.

“Malayo yata ‘yun. You all saw the conflict of interest angle here. Hindi naman namin iniimbento ‘yun eh. Wala kaming iniimbento diyan,” ani Remulla.

Sinabi rin niyang maghahain sila ng mga ulat kaugnay ng umano’y pagbebenta ng kumpanya, paglilipat ng franchise at iba pang transaksiyon.

Kinuwestiyon din ni Remulla ang matagal na pananatili sa ibang bansa nina Legarda at ng kanyang anak. Ayon sa kanya, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa mga kakilala nilang pareho na maaaring ayaw na nilang bumalik sa Pilipinas.

“Nung umpisa, we had an inkling na gusto niyo pa umuwi. But later on, from the accounts of a lot of people who we mutually know, parang ayaw niya na umuwi. So ang tingin ko, ayaw niya na umuwi. Tinatakasan nila,” ani Remulla.

Dagdag pa niya, dapat harapin ng mga sangkot ang mga kasong isasampa laban sa kanila sa halip na umiwas sa proseso ng batas.

“Ayaw nilang humarap sa charges. Kasi kung talagang wala kang kasalanan, humarap ka. Remember, in criminal law, flight is an indication of guilt. And if she wants a presumption to hold so be it. But it doesn’t mean that they can hide forever,” aniya.

Hindi pa naihahain ang mga kasong kriminal, at ang mga pahayag ni Remulla ay hindi nangangahulugang napatunayan na ang pagkakasala nina Legarda at Leviste. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here