Home NATIONWIDE Pangilinan, Ejercito kay Chinese envoy Jing Quan: Umuwi ka na!

Pangilinan, Ejercito kay Chinese envoy Jing Quan: Umuwi ka na!

3
0

MANILA, Philippines – Mas marami pang senador ang sumita kay Chinese Ambassador Jing Quan at nanawagang umuwi na ito sa Beijing.

Ito ay matapos hamunin ng Chinese embassy ang mga mambabatas na ideklara ang envoy nito na persona non grata, kasunod ng pahayag nito ng paggamit ng pwersa laban sa Pilipinas.

Sa video na inilabas ni Senador JV Ejercito, sinabihan nito si Quan na hindi siya welcome dito sa Pilipinas.

“Ambassador Jing Quan, [the] West Philippine Sea is ours! Go home!” sinabi ni Ejercito.

“Jing Quan, go home!!!”

Hinimok din ni Senador Francis Pangilinan ang diplomat na bumalik na lang sa China.

“By way of diplomatic language, you can please easily leave Manila and go back to China,” ani Pangilinan.

“We do not need foreign guests in the form of arrogant, condescending diplomats,” dagdag pa niya.

Nag-ugat ang palitan ng mga salita sa pagitan ni Jing at ng mga mambabatas matapos sabihin ng Chinese envoy noong Huwebes na madaling matatalo ng China ang Pilipinas kung gagamit ng pwersa ngunit pinili na lamang ng Beijing ang kapayapaan.

“If we want to use force, we may easily win. But no, we will not choose force and we love peace,” ani Jing nang tanungin sa paglalarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa China bilang troublemaker sa rehiyon.

Bago ang pahayag nina Ejercito at Pangilinan ay nauna nang nanawagan sina Sen. Risa Hontiveros sa Beijing na maglabas ng formal apology.

Ganito rin ang panawagan ni Senate President Sherwin Gatchalian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here