INDIA – Patay ang 17 indibidwal at nasa 25 ang sugatan sa stampede sa eastern India dahil sa biglaang pag-ulan kasabay ng isang religious gathering.
Ayon kay West Bengal Chief Minister Suvendhu Adhikari, kabilang sa mga namatay ang pitong taong gulang na batang babae, habang sugatan ang 25 iba pa na nasa labas ng pavilion sa stampede sa Hindu festival ng Durga Puja sa Kolkata.
“Six bodies have so far been identified,” sinabi ni Adhikari.
Ayon sa senior police official sa lugar, ang anunsyo ay nagdulot ng komosyon matapos magsimula ang ulan at ang “crowd waiting outside the pandal (pavilion) was pushing, pulling and rushing forward and fell on the ground, leading to the stampede.”
Madalas nangyayari ang mga stampede sa mass events sa India lalo na sa mga religious festival dahil sa kakulangan ng paghahanda at seguridad.
Noong nakaraang taon ay aabot sa 30 ang namatay sa Kumbh Mela religious fair sa India. RNT/JGC