MANILA, Philippines – Tatlong kalalakihan na may kinahaharap na magkakaibang kaso ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa magkakahiwalay na operasyon sa General Trias City, Cavite.
Ayon sa report ng General Trias Police, dalawa sa mga suspek ang kabilang sa listahan ng mga most wanted person sa lungsod, habang ang pangatlo ay nahaharap sa kasong attempted homicide.
Nadakip ang una dakong alas-8:00 si alyar Mark, 36 anyos, tricycle driver na residente ng Brgy Bacao 2 na may kinakaharap na kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
Ilang sandali lang sumunod na inaresto si alyas Jeff 35 taong gulang, construction worker na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, kaugnay ng slight physical injury.
Napag-alaman na ang dalawang warrant of arrest ay inilbas noong Oktubre 8, 2026, sa bisa ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fargas, Presiding Judge ng Family Court, Branch 5, Trece Martires City, Cavite.
May inirekomendang ₱36,000 na piyansa para ang dalawang akusado.
Samantala, dakong alas-4:00 ng hapon, isang alyas Resty 41 anyos na taga-Pasong Kawayan 2 na nasukol sa Barangay Halang, Naic, Cavite na may kasong attempted homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 131-14, batay sa warrant na may petsang Hulyo 6, 2018, na inilabas ni Hon. Leilani Marie Dacanay-Grimares, Acting Judge ng Municipal Trial Court in Cities sa General Trias sa bisa ng warrant of arrest.
May piyansang ₱12,000 para sa naturang kaso.
Kasalukuyang nasa General Trias Custodial Facility sa Barangay Bagumbayan sina Mark at Jeff, habang nananatili naman sa kustodiya ng BJMP Naic si Resty. MARGIE BAUTISTA