MANILA, Philippines – Posibleng mas mabilis na mapanis ang pagkain sa mas mainit na panahon dala ng El Nino, ayon sa Department of Health (DOH).
“Ang matinding init at mga posibleng brownout ay nagpapabilis ng pagkasira ng pagkain. Siguraduhing malinis ang tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay, at mga kagamitan,” saad sa Facebook post ng DOH.
“Takpan at ubusin agad ang lutong pagkain, at huwag iwanang nakabilad sa init upang maiwasan ang pagdami ng bakterya,” dagdag ng ahensya.
Sa ngayon ay mahigit 100 lungsod at munisipalidad sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa epekto ng El Nino. RNT/JGC