PASAY CITY, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Erwin Tulfo, tagapangulo ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, kasama ang Senate Committee on Finance, ang pagdinig sa Senado hinggil sa pagpapatupad ng mga batas na nagpoprotekta sa karapatan ng mga persons with disabilities (PWDs).
Layunin ng pagsisiyasat na matukoy kung paano mas mapapalakas ang mga patakaran at programa upang matiyak ang pantay na oportunidad at makalikha ng isang kapaligirang walang hadlang para sa mga PWD. CESAR MORALES