Home ENTERTAINMENT Pokwang, kinol out si Ipe!

Pokwang, kinol out si Ipe!

2
0

Manila, Philippines – Hindi na din nakapagpigil ang damdaming magulang ni Pokwang–nangalampag na din siya ng kapwa celebrity parent.

Pero hindi ‘yon ni Lee O’Brian na ama ng kanyang anak na si Malia–kundi si Phillip Salvador, ama ni Josh Aquino.

Sa kanyang Threads account, nagtawid si Pokwang ng mensahe para kay lpe.

Post ng komedyana” “Dear [Mr. Phillip] Salvador, galawin mo ang baso para kay Josh!!!”

Mabait na bata daw kasi si Josh who didn’t deserve what was done to him on the podcast show.

Not only Josh ang hindi deserve na gawing katatawanan doon kundi ang iba pang may mga kapansanan: “Gentle giant ang tawag ko sa kanya (Josh), napakabait na bata. Galaw-galaw naman diyan sir.”

On her Instgram stories, ini-repost ni Pokwang ang kanyang mensahe kay Ipe.

Tulad ng inaasahan, maraming netizens ang nag-react.

Anila, mukhang nakalimutan ng aktor noon pa man na may anak siya.

Ang magulang daw bang may amnesia ay may kakayahan bang gumalaw ng baso?

“Hindi naman kasi Duterte si Josh, Aquino siya…kaya dedma lang siya!”

“Buti natalong senador noon, ganyan ba ang klase ng iboboto n’yo..magulang na ‘magulang’?!”

Aray ko! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here