Home METRO 2 Nigerian nat’l huli sa tsongke, ecstacy sa Pampanga

2 Nigerian nat’l huli sa tsongke, ecstacy sa Pampanga

3
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Timbog sa mga awtoridad ang dalawa pang Nigerian National na pawang mga kabilang sa talaan ng mga High Value Individual (HVI) at masabat sa mga suspek ang ilang gramo ng suspected Kush Marijuana at ecstacy tablets sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Balibago, Angeles City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Naaresto ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkasabwat na nagbenta ng iligal na droga sa undercover police.

Bago nito, una nang naaresto ng pulisya ang isang Nigerian National na nahulian ng halos P6 Milyon halaga ng suspected ecstacy sa buybust operation sa pareho ding lugar.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang tatlong Nigerian National dahil pareho umano ang ang mga itong pansamantalang naninirahan sa Mabalacat City, Pampanga.

Narekober sa mga suspek ang 12 grams ng suspected Kush Marijuana at 60 piraso hinihinalang ecstasy o party drugs na may tinatayang halaga ng halos P105,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here