Home NATIONWIDE Malakanyang, dinepensahan pagkakatalaga sa ‘jet-setter’ PCUP official sa gitna ng marangyang pamumuhay

Malakanyang, dinepensahan pagkakatalaga sa ‘jet-setter’ PCUP official sa gitna ng marangyang pamumuhay

4
0

MANILA, Philippines – Dinepensahan ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Zofia Canlas bilang commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sa gitna ng pag-uurirat ng publiko sa marangyang pamumuhay at di umano’y kakapusan sa karanasan para sa nasabing posisyon.

Isang biology graduate ng De La Salle University noong 2024, inulan ng pagbatikos at puna si Canlas dahil sa kanyang marangyang pagbyahe sa ibang bansa kabilang na ang France, Italy, Greece, at iba pang bansa.

Kinuwestiyon din ng mga kritiko kung ang lifestyle ni Canlas ay nakapanig sa mandato ng komisyon na kanyang paglilingkuran.

Ang PCUP commissioners ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng underprivileged urban communities at national government. Tumutulong din sila sa pakikipag-ayos sa pagitan ng gobyerno at informal settler families na maaaring i-require na bakantihin ang mga lupa kung saan nakatayo ang kanilang mga bahay.

Makikita sa online records na ang kanyang ama ay si Jose Marcell Canlas ay isang assistant secretary sa Office of the Executive Secretary (OES).

Sa kabilang dako, binalewala naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang pagbatikos laban kay Zofia Canlas, sabay sabing ang social status at edad nito ay hindi dapat gamitin para i-diskuwalipika mula sa posisyon.

“She has been there for a long time. She has been with the Presidential Commission for the Urban Poor for quite some time; perhaps you just haven’t noticed. So, she is already familiar with the agency’s mandate,” giit ni Castro

Si Canlas ang kauna-unahang nominado ng Batang Quiapo party-list bago pa naging chief of staff ng PCUP noong 2025.

“The president has always emphasized this: Regardless of your status in life, whether you are rich or poor, if you can work and serve the country, that is the number one priority for the president — to have someone sincere and dedicated to serving the nation,” diing pahayag ni Castro.

Tinuran pa ni Castro na hindi dapat agad na hinahatulan ng publiko si Canlas nang hindi pa nakikita kung paano niya gampanan ang kanyang tungkulin.

Hinikayat niya ang publiko na bigyan naman muna ng pagkakataon si Canlas sabay sabing ang pagpuna ay kinakailangan kung siya ay matuklasang nagkamali.

Sa pagtatanggol pa rin kay Canlas, sinabi ni Castro na ang posisyon ay hindi nangangailangan ng law degree, dahil kasama sa trabaho ng komisyon ang pakikipag- negotiate sa ngalan ng marginalized communities.

“Removing someone from office, filing a case, and handling a case require a lawyer. But negotiating on behalf of our fellow Filipinos who belong to the marginalized sectors of society does not require a lawyer. What is needed is dedication and a genuine commitment to one’s work,” ang paliwanag ni Castro.

Samantala, sa ngayon ay deactivated ang social media account ni Zofia Canlas. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here