Home HOME BANNER STORY Zero budget sa EDSA busway, iaapela ng DOTr

Zero budget sa EDSA busway, iaapela ng DOTr

2
0

MANILA, Philippines — Umapela ang Department of Transportation (DOTr) na ibalik sa 2027 national budget ang P1.756 bilyong pondo para sa EDSA Busway matapos itong walang nakuhang alokasyon sa proposed National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, posibleng maapektuhan ang operasyon at maintenance ng busway kung mananatiling zero ang budget nito.

Babala niya, maaaring mawalan ng pondo para sa suweldo ng security personnel, maintenance ng mga istasyon at pagkukumpuni ng elevators.

Mula 2020 hanggang Agosto 2026, mahigit 367 milyong pasahero na ang naihatid ng EDSA Busway. Tinatayang nasa 63 milyon naman ang gumagamit nito kada taon.

Patuloy din ang modernization ng busway, kabilang ang rehabilitasyon ng mga istasyon sa Bagong Barrio, Balintawak at Guadalupe, habang nakatakdang magtayo ng mga bagong istasyon sa Cubao, Magallanes at Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na lumiit ang fiscal space kaya hindi naisama sa proposed 2027 budget ang pondo para sa EDSA Busway, gayundin ang Service Contracting Program at Fuel Subsidy Program.

Iginiit ni Lopez na mahalagang mapondohan ang busway dahil isa ito sa pangunahing mass transport systems sa Metro Manila kung saan nabibigyan ng prayoridad ang commuters kaysa private motorists. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here