Home NATIONWIDE Harapan nina Marcos, Chinese envoy wala pang iskedyul — Malacañang

Harapan nina Marcos, Chinese envoy wala pang iskedyul — Malacañang

1
0

MANILA, Philippines — Wala pang nakatakdang pagpupulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kaugnay ng umiinit na diplomatic row sa pagitan ng Pilipinas at China, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hinihintay pa ng Palasyo ang ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa pakikipagpulong ni Jing kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa “Tess” Lazaro bago tukuyin ang mga susunod na hakbang.

“Wala pa pong nababanggit sa atin sa ngayon kung ano ang pinakadetalye, so hintayin na lang po muna natin kung anong pina-report po ni Secretary Tess Lazaro,” ani Castro.

Nauna nang sinabi ni Marcos na nais niyang makausap si Jing upang linawin ang naging pahayag nito na madaling mananalo ang China kung pipiliin nitong gumamit ng puwersa laban sa Pilipinas, bagama’t sinabi rin ng envoy na hindi ito gagawin.

Ayon kay Marcos, mistulang banta ang naging pahayag at hindi umano ito angkop na pananalita para sa isang diplomat.

Nauna ring nagpahayag ng pagtutol ang DFA sa naging pahayag ni Jing, na naging panibagong mitsa ng tensiyon sa pagitan ng Manila at Beijing sa gitna ng hindi pagkakaunawaan sa West Philippine Sea. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here