Home NATIONWIDE Pinoy nasawi sa drone attack sa Saudi Arabia

Pinoy nasawi sa drone attack sa Saudi Arabia

3
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang Pilipino sa tangkang drone attack sa pasilidad ng Saudi Aramco sa Shaybah oilfield sa Saudi Arabia noong Miyerkules, ayon sa ulat.

Ayon sa ministeryo, naharang ng air defenses ng Saudi Arabia ang drone bago nito matamaan ang pasilidad. Dahil sa bumagsak na mga debris, nasawi ang isang Pilipino at isang Nepali, habang sugatan ang isang Pakistani at isang Indian.

Nagkaroon din ng sunog sa isang sasakyan sa labas ng perimeter ng pasilidad, ngunit hindi naapektuhan ang operasyon ng oilfield.

Nangyari ito sa gitna ng tumitinding pag-atake ng mga missile ng Houthi rebels na suportado ng Iran laban sa Saudi Arabia. Gumanti ang Saudi sa pamamagitan ng mga pag-atake sa mga lugar na pinaglulunsaran ng missile at sinabing patuloy nitong poprotektahan ang kaharian.

Noong Oktubre 10, tatlong Pilipino rin ang nasugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh. Ayon sa DMW nitong Martes, bumubuti na ang kanilang kalagayan. Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi at mahigit 300 ang nasugatan sa insidenteng iyon.

Samantala, 84 overseas Filipino workers (OFWs) ang naiuwi mula Saudi Arabia ngayong linggo dahil sa tumitinding tensiyon. Naghahanda rin ang OWWA, katuwang ang Philippine Embassy sa Riyadh at Migrant Workers Office, sa pagpapauwi ng humigit-kumulang 300 pang OFW.

Muling tiniyak ng DFA ang pakikiisa ng Pilipinas sa Saudi Arabia sa pagprotekta sa mga mamamayan at residenteng nasa bansa, kabilang ang halos isang milyong Pilipino roon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here