Home METRO P340K tobats, nasamsam sa buy-bust ops sa ZamboSibugay

P340K tobats, nasamsam sa buy-bust ops sa ZamboSibugay

1
0

ZAMBOANGA SIBUGAY, Philippines – Arestado ang isang 61-anyos na hinihinalang drug dealer matapos makumpiska sa kanya ang humigit-kumulang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Silal, Payao, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Bryan Babang, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency–Region 9 (PDEA-9), ang suspek sa alyas na “Jing,” na residente rin ng nasabing barangay.

Isinagawa ng PDEA-9 Zamboanga Sibugay Provincial Office ang operasyon dakong alas-9:15 ng umaga noong Martes. Nakumpiska ang isang heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Narekober din ang buy-bust money, isang paper bag at isang cellphone.

Katuwang sa operasyon ang PNP Regional Drug Enforcement Unit–Zamboanga Sibugay, PNP Regional Intelligence Unit 9, Payao Municipal Police Station, 106th Infantry Battalion ng Philippine Army at Naval Intelligence and Support Unit 63.

Ayon kay Babang, ipinapakita ng operasyon ang patuloy na pagsisikap ng PDEA-9 at mga katuwang nitong ahensiya na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at palakasin ang koordinasyon sa rehiyon.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may kaugnayan sa pagbebenta ng ilegal na droga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here