Home NATIONWIDE ₱11.6B smuggled farm goods nalansag sa loob ng 17 buwan; Malakanyang nangakong...

₱11.6B smuggled farm goods nalansag sa loob ng 17 buwan; Malakanyang nangakong ‘di bibitiw sa pagtugis sa mga nagkasala

3
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng gobyerno ang P11.6 bilyong halaga ng smuggled agricultural products sa 67 operasyon sa loob ng 17-month period ngayong taon.

Kasunod ito ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa mga pagkilos na itinuturing na economic sabotage.

Ang pinaigting na kampanya ay nauwi sa paghahain ng administrative o criminal complaints laban sa 218 katao, kung saan tiniyak ng Malakanyang na patuloy na tutugisin hanggang “justice is served.”

“The massive haul of farm and fisheries contraband from February 2025 to July this year demonstrates the resolve to shield growers from unfair competition as well as consumers from unsafe food,” ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.

“Smugglers do not only evade duties but food safety checks. We should not let degraded food meant for dumpsters in other countries end up in our own tables,” ang sinabi pa rin ni Recto.

Sinabi pa niya na ang pangamba sa El Niño dry spell sa mga susunod na buwan ang nagbigay gana sa mga smugglers. “Crisis creates opportunities, and when water shortage looms, the smugglers see this as a cue to flood the market with their illicit products.”

Nilinaw ni Recto na ang tumataas na domestic production ay nananatiling pangunahing polisiya sa hangrin na makamit ang food security.

“Pero kung may kulang, i-angkat lang batay sa masusing pag-aaral ang tama – tamang bilang at sa tamang panahon. Sakto, hindi sobra. At hindi sa panahon ng anihan, pero sa panahong kulang ang supply,“ ang winika pa ni Recto sabay sabing “The President wants escalation on two fronts. The first is to boost production, more so that every year we are adding 1.5 million to our population, and that is the demographic reality. And the second is to curb smuggling because it disincentives local production.”

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No.12002 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa isang seremonya sa Malakanyang noong September 2024, naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglansag sa mga iligal na aktibidad na naka-aapekto sa supply at presyo ng pagkain.

Kabilang sa mga illegal na aktibidad na ito ay ang smuggling, hoarding, profiteering at operasyon ng kartel.

Alinsunod sa nasabing batas, isang Special Team of Prosecutors ang nilikha bilang isang dedicated group para tugisin ang mga violators. Kamakailan ay nahatulan ang pitong smugglers ng tobacco products.

Sa ilalim ng RA 12022, inatasan ang multisectoral Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na pangasiwaan ang “whole of nation approach” sa anti-smuggling crusade.

Para palakasin ang staffing nito, may 49 bagong posisyon na may “multidisciplinary skills” ang pinahintulutan ng Department of Budget Management para idagdag sa fulltime secretariat nito, pangungunahan ni Retired Police Major General Leonora Camarao bilang Executive Director.

Ang konseho ani recto “will not be a collection of agencies manned by paper pushers that meets periodically to pore over reports but one that dynamically operates all days of the week.”

“One particular challenge is how to tap information technologies to plug our porous borders along our long coastline, and render this inhospitable to smugglers,“ ang sinabi pa ni Recto.

“The administration is moving from sporadic crackdowns to a sustained, intelligence-driven campaign against the networks behind agricultural smuggling and other forms of economic sabotage,” aniya pa rin.

“Ayon sa utos ng Pangulo, lalo pa nating palalakasin ang enforcement machinery. Walang lungga ang smuggling sa isang bansang nagtatanggol sa kabuhayan ng Pilipino,” sinabi pa ni Recto. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here