Home ENTERTAINMENT Randy, ipinakita ang mata, goodbye na sa dark shades!

Randy, ipinakita ang mata, goodbye na sa dark shades!

1
0

Manila, Philippines – Namaalam na si Randy Santiago sa kanyang dark shades–and this is for good.

After two successful eye surgeries dahil sa cataract o katarata, clear eyeglasses na ang suot ngayon ng singer-actor-TV director.

Inirampa nga ito ni Randy sa concert na Goin’ Standard: The Repeat” tampok si Edgar Mortiz kamakailan lang.

Agad itong nakapukaw ng atensyon nang i-post ni Christine Bersola-Babao ang kanilang picture sa Facebook taken at the event.

Dumalo din si Julius Babao.

Matatandaang nitong September when Randy underwent a cataract surgery, a year after ng kanyang operasyon sa kaliwang mata.

Sanay na si Randy na sumailalim sa mga eye procedure.

Napag-alamang sumailalim na ang singer sa eye operation noong nasa grade school siya.

Kinailangang tanggalin ang cyst na tumubo sa kanyang mata noon.

Tinted o dark glasses ang isinusuot niya for the longest time dahil tila nakapikit ang isa niyang mata o nakapaling sa ibang direksyon.

Pero hindi naging hadlang ‘yon sa kanyang pagsikat, earning the tag Mr. Shades. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here