Home ENTERTAINMENT Xander Ford, nagmamakaawa sa publiko!

Xander Ford, nagmamakaawa sa publiko!

1
0

Manila, Philippines – Parang awa n’yo na.

Ito ang masidhing pagsusumamo ng social media personality na si Xander Ford sa publiko.

May kaugnayan ito sa kanyang soc-med account na sana’y huwag nang ireklamo o i-report pa.

In his Facebook post, idinaan ni Xander sa video message ang kanyang panawagan.

Aniya, sayang naman daw ang kinita niyang US$100 sa kanyang live streaming.

“Guys, huwag naman kayo mag-report. Sayang ‘yung US$100 ko,” nagmamakaawang post ni Xander.

Hirit pa niya, kung may mga taong ayaw sa kanya ay subukan ding mag-live streaming ng mga ito.

In another post on FB, ipinakita ni Xander ang kinita niya na US$154.87.

Sa halip daw ay pinagtatawanan pa siya kahit mahirap na ngang kumita ng pera.

Dumepensa naman ang ilang netizens: “New follower here. Hindi ako fan ni Xander, but kindness is free. I admire his pagsusumikap for his family. Lahat tayo, nagkakamali…konting compassion naman.”

“Ipagdasal mo na lang sila, pre. Maniwala ka, pre…God is watching.”

“Laban lang, boss. Diyos na bahala sa mga naiinggit!”

“Maging masaya na lang tayo para kay Xander…hindi po siya nanglalamang ng kapwa!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here