QUEZON CITY, Philippines – Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang rotation and resupply (RORE) mission sa Ayungin Shoal ngayong linggo nang walang anumang insidente.
Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Roy Vincent Trinidad, regular na operasyon ng militar ang misyon upang palitan ang mga tauhan at maghatid ng kinakailangang suplay.
“Again, it was successfully conducted. It’s not the only one successfully conducted. Marami tayong ginagawa nito na nakoconduct naman natin successfully, matagumpay naman and we did not highlight what we have done. Rest assured, we will keep performing and doing it,” ani Trinidad sa panayam sa Camp Aguinaldo noong Huwebes.
Gayunman, iginiit ng China Coast Guard (CCG) na naisagawa ng Pilipinas ang paghahatid ng suplay sa barkong nakasadsad sa Ayungin Shoal “with China’s permission.”
Ayon sa tagapagsalita ng CCG na si Jiang Lue, tinanong at kinumpirma ng mga tauhan ng China ang insidente noong Oktubre 21 at minonitor ang buong operasyon.
“The CCG will continue to conduct law enforcement activities in the Spratly Islands, including Ayungin Shoal, and in their surrounding waters,” pahayag ni Jiang.
Tinanggihan ni Trinidad ang pahayag ng China at inakusahan itong gumagawa ng mga salaysay upang isulong ang pag-angkin nito sa West Philippine Sea at iba pang lugar.
“Who believes them? Each time they invent a new narrative nag-i-imbento lamang sila ng naratibo at wala namang naniniwala sa kanila. Not only in the West Philippine Sea. If you look at Scarborough, they claim Scarborough. Thet claim Batanes. There have been a lot of false narratives they keep inventing just to further their agenda, not only at sea but even on land,” ani Trinidad.
“So, dapat makita ito ng taumbayan na paiba-iba ang narratibo ng Partido Komunista ng Tsina, kasama diyan yung RORE, kasama ang pag-codncut ng ating maritime domain awareness flights, ang pag-conduct ng patrol natin sa Bajo de Masiloc, sa northern islands. Huwag tayong mabigla. Baka pati Pluto angkinin na rin nila. These type of narratives, consider them as inventions and they are jokes, laugh at them,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Trinidad na hindi kailangan ng Pilipinas ang pahintulot ng China upang magsagawa ng RORE mission.
“The RORE is a routine mission of the AFP. It is in furtherance of our mandate. We need not seek the clearance nor the approval of any foreign power to perform our mandate,” aniya.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang AFP sa pagsasagawa ng RORE missions, maritime domain awareness flights, maritime patrols at air surveillance flights.
Hindi na nagbigay si Trinidad ng karagdagang detalye tungkol sa operasyon, ngunit tiniyak niyang magpapatuloy ang mga misyon “whenever and wherever necessary.” RNT/MDS