Home NATIONWIDE 2027 budgets ng Senado, DBM, iba pa inendorso na sa plenaryo

2027 budgets ng Senado, DBM, iba pa inendorso na sa plenaryo

4
0

MANILA, Philippines – Inendorso na ng Senate Finance Subcommittee A para sa plenaryo ang panukalang 2027 budget ng Senado, Department of Budget and Management (DBM) at ilang kaugnay na tanggapan matapos ang budget hearings nitong Huwebes, Oktubre 22.

Sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, inaprubahan ng subcommittee ang panukalang pondo ng Senate of the Philippines, Senate Electoral Tribunal at Commission on Appointments para sa susunod na taon.

Ayon kay Ejercito, kabilang ang Senado sa iilang tanggapan ng gobyerno na nagbawas sa hinihinging budget sa gitna ng limitadong fiscal space ng pamahalaan.

Aniya, bahagi ito ng pagsisikap ng Senado na manguna sa fiscal austerity at mas maingat na paggasta ng pampublikong pondo.

Inendorso rin ng subcommittee para sa plenary deliberations ang humigit-kumulang P2.9-bilyong panukalang 2027 budget ng DBM at mga attached agency nito.

Kasama rin sa pagdinig ang mga lump-sum funds, budgetary support sa government-owned and controlled corporations at mga alokasyon para sa local government units.

Sinabi ni Budget Secretary Kim Robert De Leon na ibinaba sa P2.9 bilyon ang panukalang budget ng DBM mula sa P5.486 bilyon na nakasaad sa National Expenditure Program.

Tiniyak naman ni De Leon na hindi maaapektuhan ang paghahatid ng serbisyo publiko sa kabila ng malaking bawas sa panukalang pondo ng ahensya.

Kasabay ng budget deliberations, sinabi rin ng DBM na nakikipagtulungan ito sa Senado upang palakasin ang safeguards at transparency sa 2027 national budget, partikular sa unprogrammed appropriations, kasunod ng desisyon ng Supreme Court kaugnay ng mga nakaraang pambansang badyet.

Dadaan pa sa plenary deliberations ng Senado ang mga inendorsong budget bago tuluyang maisama sa Senate version ng 2027 General Appropriations Bill. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here