Home METRO 8 suspek sa pagpatay sa Barangay Chairman sa Batangas, kinasuhan

8 suspek sa pagpatay sa Barangay Chairman sa Batangas, kinasuhan

3
0

BATANGAS, Philippines – Kinasuhan ng murder ang walong suspek sa pagpatay kay Dennis Austria, chairman ng Barangay Santa Anastacia, Santo Tomas City, Batangas.

Ayon kay Police Col. Oliver Ebora, hepe ng Batangas Police Provincial Office (PPO), inihain ang reklamo noong Miyerkules ng hapon, Oktubre 21, sa Office of the City Prosecutor sa Santo Tomas City.

Kinilala ang mga respondent sa mga alyas na Ben, Arnold, Bernard, Joey, Kevin, Kepoy, Kuya Fernan at First. Naaresto si Ben noong Martes, Oktubre 20, sa Barangay Balagtasin, San Jose, Batangas, sa isinagawang follow-up operation.

Ayon sa mga imbestigador, si Ben umano ang nagmaneho ng motorsiklong ginamit sa pagtakas. Batay sa kuha ng CCTV at iba pang ebidensya, lumipat umano siya sa isang kotse matapos ang pamamaril. Narekober din ng mga pulis ang sasakyang nakarehistro sa kanyang pangalan.

Nananatiling nakatakas ang pitong iba pang suspek, kaya pinaigting ng pulisya ang paghahanap sa kanila.

Muling tiniyak ni Ebora na ipagpapatuloy ng Batangas PPO ang pagsisikap na makamit ang hustisya para sa biktima at papanagutin ang mga sangkot sa pamamagitan ng legal na proseso. Hinimok din niya ang sinumang may impormasyon tungkol sa krimen na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Patuloy pang nangangalap at nagsusuri ng ebidensya ang mga imbestigador upang suportahan ang reklamo at isulong ang kaso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here