Home METRO 2 armadong kelot tigok sa engkwentro sa Taguig shootout

2 armadong kelot tigok sa engkwentro sa Taguig shootout

1
0

TAGUIG CITY, Philippines – Patay ang dalawang armadong lalaki matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang Oplan Sita sa Purok 1, PNR Site, Barangay Western Bicutan Huwebes ng umaga, Oktubre 22.

Kinilala ng Taguig City police ang isa sa mga suspek na si alyas Jiboy, na iniuugnay sa isang kaso ng frustrated homicide.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nangyari ang engkwentro ng mga suspek at ng kapulisan dakong alas-10:58 ng umaga sa isang bahay sa Purok 1, PNR Site, Barangay Western Bicutan, Taguig.

Napag-alaman na nagsasagawa ng patrulya ang mga tauhan ng Sub-Station 2 nang namataan ng mga ito ang mga suspek na may kahina-hinalang ikinikilos sakay ng isang motorsiklo.

Nang lapitan upang beripikahin ang kanilang pagkakakilanlan, tumakas ang dalawa habang naglalakad at may dalang mga baril, dahilan upang habulin sila ng mga pulis hanggang kung saan pumasok ang mga suspek sa isang bahay sa lugar upang magtago.

Ayon sa pulisya, nagkaroon pa ng negosasyon sa panig ng mga suspek at ng mga pulis ngunit kialaunan ay nauwi din ito palitan ng putok.

Kapwa nagtamo ng mga nakamamatay na sugat ang dalawang lalaki, habang dalawang baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Sa isinagawang beripikasyon gamit ang Investigation Solution Automatic Verification System (ISAVS) at Crime Information, Reporting and Analysis System (CIRAS) ay natukoy si alyas Jiboy na sangkot sa kasong frustrated homicide na naganap sa Barangay New Lower Bicutan noong Setyembre 29 at hinihinalang may kaugnayan din ito sa grupong “Ocho Sakto Gang.”

Patuloy din na sinusuri ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng isa pang suspek sa isang insidente ng panghoholdap. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here