Home ENTERTAINMENT Jem Milton, nami-miss na ang VMX, magpapasilip muna ng alindog

Jem Milton, nami-miss na ang VMX, magpapasilip muna ng alindog

2
0
Screenshot

Manila, Philippines – Sa mga nasasabik sa hotness ng tisay na si Jem Milton, may special treat ang sexy actress sa mga barako. Mapapanood kasi nila si Jem in the flesh, as in live, sa show ni Christine Bermas titled “Under Her Spell, A Christine Bermas Special,” sa Viva Cafe.

Dito’y tiyak na matatakam at maglalaway ang maraming boys sa mga sexy actress na tampok sa show.

Magaganap ito sa Oct. 28, 9pm at bukod kay Jem, guest dito ni Christine ang mga hubadera ng VMX na sina Aya Fortes at Mayumi de Vera.

Anong klaseng mga production number ang mapapanood dito?

Tugon ni Jem, “May isa akong number na kakanta ako with kaunting sayaw, then dalawang sayaw… and yes, sexy outfit siyempre ang mapapanood dito.”

May number ba sila ni Christine na magkasama?

“Hindi ko pa alam… pero sabi iyong opening magkasama kami. Hindi ko alam if tatlo lang kami or if kasama si Christine.”

Ayon kay Jem, hindi pa niya nakatrabaho sa VMX si Christine pero nagagalingan daw siya sa dalaga.

Esplika ni Jem, “Hindi pa, pero may napanood ako rati na movie niya noong hindi pa ako lumalabas sa VMX. Moonlight Butterfly yata ‘yung title ng movie niya na napanood ko rati.

“Pero ang masasabi ko kay Christine bilang sexy actress, she’s really good,” pakli pa ni Jem.

Bakit dapat panoorin ang show nila sa Viva Cafe?

“VMX Viva Cafe always knows how to put on a show and tiyak na sulit ang ibabayad nila at magiging memorable ang gabi nila kapag nanood sila rito. Mag-iinit ang kanilang gabi,” nakangiting sambit pa ni Jem.

Bilang isa sa pantasya sa VMX, hindi naman niya itinatanggi na pansinin ng mga boylet ang kanyang malulusog na dibdib. Pero okay lang daw ito sa kanya.

“Yes pansinin siyempre ng mga lalaki itong boobs ko and it’s okay for me. It’s natural for guys to appreciate girls’ boobs. Hahaha!” nakatawang wika pa niya.

Sa mga nagawa niyang sexy films, ano ang hindi niya malilimutan?

Aniya, “Lahat naman ng nagawa kong films hindi ko makakalimutan, pero siguro ang pinaka-unforgettable is iyong pelikulang Tubero. Kasi first film ko iyon sa VMX.

“Ang ginawa ko rito, daring talaga, yung nag-topless ako, plus may eksena kaming mainit na threesome.”

Aminado rin siyang nami-miss na niya ang muling pagsabak sa VMX movie.

“Yes, nami-miss ko na… hopefully soon… after the Viva Cafe performance,” wika ng sexy actress. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here