Home NATIONWIDE Lahat ng political appointee sa ilalim ng PCO, nagsumite na ng courtesy...

Lahat ng political appointee sa ilalim ng PCO, nagsumite na ng courtesy resignation – Sec. Lino

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Sec. Lino Cayetano na halos lahat na ng political appointee sa ilalim ng nasabing tanggapan ay nagsumite na ng kani-kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Cayetano, dumadaan sa masusing proseso ang mga isinumiteng courtesy resignation at araw-araw aniya ay may nangyayaring ebalwasyon sa performance ng mga opisyal ng PCO.

“Ang simpleng basehan lamang niyan ay kung paano natin mapagaganda ang mandato ng PCO, paano natin mapagaganda ang mandato ng bawat opisina. Sa lahat ng pagbabago gobyerno, alam ko na ang tanging intensyon ng Pangulo ay kung paano mapaganda ang serbisyo ng ahensiyang ‘yan,” anito.

Giit pa ni Cayetano, kailangan aniya kasi na ang lahat ng attached agency ay gumagalaw. Hindi aniya kasi dapat na ang sa susunod na linggo ay may reshuffle na agad,

“Hindi po ganoon ang approach natin dito and continuous effort try to become a real partner of media para magawang maibahagi ang mensahe ng Pangulo,” ani Cayetano.

At kung nais aniya rin ng Pangulo na i-push forward ang agenda para sa mga mamamayang pinoy sa ibang departamento ay maiintindihan aniya niya ang Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here