Home METRO 18 katao arestado sa Oplan Galugad sa Maynila

18 katao arestado sa Oplan Galugad sa Maynila

3
0

MANILA, Philippines – Binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 18 indibidwal matapos maaktuhang nag-iinuman sa kalsada sa Maynila Biyernes ng gabi.

Sa ulat, dinala sa Blumentritt Police Community Precinct  ang mga naaresto mula sa Barangay 373, 374 at 375 dahil sa naturang paglabag.

Bahagi ang operasyon ng Oplan Galugad  ng MPD para na rin sa paghahanda sa pagdagsa ng mga magtutungo sa mga sementeryo ngayong Undas.

Sinuyod ng pulisya ang mga kalsada matapos mag-inspeksyon sa loob ng Manila North Cemetery.

Isinailalim din sa beripikasyon ang mga kalalakihan sa loob ng sementeryo gayundin ang mga naaktuhang umiinom sa kalsada upang malaman kung maroon silang nakabinbin na warrant of arrest.

Agad din silang pinakawalan matapos makumpirmang malinis ang kanilang rekord pero pinakiusapan sila na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa loob at labas ng sementeryo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here