Home ENTERTAINMENT Zaijan, nanopla ng reporter, dumpensa sa menor na co-actor!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Zaijan, nanopla ng reporter, dumpensa sa menor na co-actor!October 25, 2026 07:3020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – It takes an amount of prudence when asking questions–lalo’t kung ang tinatanong ay menor de edad pa.Learn from the admonition of Zaijan Jaranilla sa isang reporter.May pagkamalisyoso kasi ang tanong ng reporter sa co-actor niyang si Kanye Avendaño.Magkasama sa pelikulang Guryon sina Zaijan at Kanye.Viral ngayon ang ipinost na video clip ni Kanye taken at the Guryon mediacon.Sa event, magkatabi ang dalawang aktor as they answered questions from the media.At first, mga safe muna ang mga tanong kay Kanye until a reporter asked: “Paglaki mo ba, magbi-Vivamax ka ba?”Umiling lang si Kanye, si Zaijan ang sumagot para sitahin ang reporter.Ani Zaijan: “Underage pa po si Kanye kaya ingat po tayo sa mga ganoong tanong.”Nag-sorry naman ang reporter na nagbibiro lang naman daw.Kanye thanked Zaijan na sumalo sa kanya.Moral lesson lalo na sa reporter: to avoid asking delicate questions, maanong makinig na lang! Ronnie Carrasco III