Home ENTERTAINMENT Kris at Boy, magsasama muli!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kris at Boy, magsasama muli!October 25, 2026 07:4520 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Pagkatapos ng 11 mahabang taon, muling magsasama sa isang two-part interview ang magkaibigang Kris Aquino at Boy Abunda.Matutunghayan ito sa Fast Talk with Boy Abunda sa October 28 at 29.Ito’y bahagi ng birthday special ng tinaguriang King of Talk mula October 26 hanggang 30.Pangako ni Boy sa mga nag-aabang sa kanila ng Queen of All Media, “super-super exclusive” daw ang kanilang kuwentuhan.Iba’t ibang paksa ang kanilang pinag-usapan tulad ng buhay, kalusugan, pulitika, pera, career at lovelife.Huli pang nagkakuwentuhan sina Kris at Boy noong October 2023 sa California–habang nagpapagamot ang una para sa kanyangautoimmune disease.It wasn’t part of a TV show though.Matatandaang nitong October 19, kumalat ang ispekulasyon na magkakaroon ng show sina Kris at Boy.Base ito sa inilabas ng teaser ng GMA kung saan nakasaad na “THE KING AND QUEEN ARE BACK.”Mapapansing malaki ang mga letrang “B” at “K”–prompting the netizens to think na tumutukoy ‘yon kina Boy at Kris.Giveaway din ang dilaw na upuan, na identified kay Kris.Tsika ni Boy sa pagharap sa media nitong October 21: “Yes, Kris is gonna be a big part of my (birthday) celebration.”Looking back, sa Startalk sa GMA unang nagsama bilang pioneer hosts sina Boy at Kris noong October 1995.Nang kapwa lumipat sa ABS-CBN, nagsama din ang dalawa sa ilang mga programa. Ronnie Carrasco III