Home ENTERTAINMENT Bahay ni Kuya, na-bash, inulan ng lait!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bahay ni Kuya, na-bash, inulan ng lait!October 25, 2026 07:5520 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – What should Pinoy Big Brother’s Bahay ni Kuya look like?Lumikha kasi ng ingay ang hitsura ng facade o harapang bahagi ng Bahay ni Kuya bilang preparasyon sa PBB Celebrity Collab 3.0.Imbes kasi ikatuwa ng mga netizen ang hitsura nito’y nilait-lait ito nang bonggang-bongga.Dismayado ang madlang pipol!Ano daw ba ang istraktura nito?Dahil ‘di nga nila matumbok what it looks like ay inihambing nila ang Bahay ni Kuya sa mga sumusunod: Marami ang nagsasabing walanginilayo ang facade nito sa lotto outlet.May ilan ding nagsasabing mukha itong panaderya o bakery.Such reactions ay matitisod sa X (dating Twitter) at Threads.Tulad na lang nito: “New PBB House–bakery or lotto outlet? Gets naman ang cost-cutting. Sana bumawi na lang sa loob!”“I’m probably the biggest defender of PBB, pero mahirap mahalin ito right now..ano ito???”“Parang mini sari-sari store…ang pangit tingnan!”“Parang multi-purpose hall lang ng barangay!”“Another Julie’s bakery branch?”Reserve your judgment, wait till you get inside–doon tiyak bumawi.Oo nga naman, what you see is only the tip of the iceberg. Ronnie Carrasco III