Manila, Philippines – Sa isang podcast, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang struggles bilang aktres.
Hindi raw naging madali sa kanya ang stardom dahil nagsimula siya bilang child star.
Noong teenager daw naman siya ay nahirapan siyang mai-cast dahil nasa awkward stage siya ng pagdadalaga.
Nagbalik-tanaw din siya sa bubog na pinagdaanan niya nang makasama siya sa isang proyekto.
Excited at acting na acting na raw siya noon nang ibalita sa kanya sa last minute na pinalitan o naligwak na pala siya dahil sa isang aktres.
Dati raw kasing may pasabi na hindi puwede si aktres pero nagbago raw ang ihip ng hangin dahil naging available na ito.
Hindi man niya tinukoy kung sino ang aktres, naging markado raw sa kanya ang huli.
Blessing in disguise raw naman na may dumating sa kanyang hosting job sa isang show kaya madali siyang naka-move on.
Sa kanyang naging karanasan, napagtanto raw niya na hindi dapat ibabando ng isang artista ang partisipasyon niya sa isang proyekto not unless na sigurado na raw ang lahat.
Na-realize rin niya na may katotohanan sa kasabihang ‘kung di ukol ay di bubukol.’ Archie Liao