Manila, Philippines – Kung ang audience ang tatanungin, hindi matagumpay ang idinaos na reunion concert ng Viva Hot Babes.
In short: “flop”–but not necessarily attendance-wise.
To be more in keeping with its title–“lanta” o tuyot ang kanilang Bulaklak concert sa New Frontier nitong October 23.
In fairness, in full force ang mga miyembro ng 90s Pinoy pop girl group na sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Sheree, JC Parker, Ella V. at Jennifer Lee.
Kaso, the VHB wasn’t spared the harshest comments na maaaring ibato sa kanila.
All over social media kasi ang snippets ng kanilang performance.
Binatikos ng mga netizens nang bonggang-bongga ang kanilang pagkanta at pagsayaw–damay pati ang inaasahan nilang energy which was lacking.
Eto ang ilang comments: “Katigas ng katawan!”
“Kulang pa sa pressure cooker!”
‘Boring, parang poste gumiling pero matigas pa din!”
“Lip synch pa more!”
“Energy naman!”
“Susmaryosep, mga lola. Paawat! Huli na ang lahat. Tanggapin na lang natin, expired na tayo!”