Manila, Philippines – Naging talk of the town noon ang naging hiwalayan nina Bela Padilla at ng dyowa niyang si Martin Tan.
Katunayan, sa kanyang Instagram ay nag-emote ang aktres sa kanilang naging breakup ng boyfriend.
Aniya, mutual daw ang kanilang naging breakup.
Hirit pa niya, napagkasunduan daw nilang mag-move forward para ma-preserve ang respeto nila sa isa’t-isa.
Ramdam mo rin sa kanyang mensahe na wala siyang resentment sa kanilang naging hiwalayan dahil ayon sa kanya ay nanatili silang magkaibigan ni Tan.
Recently naman, kumalat ang photo ng dalawa kasama ang ilang close friends pagkatapos ng anunsyo ng kanilang hiwalayan.
Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na hindi pa totally break ang dalawa.
May tsika pang lumutang na marahil ay cool off muna ang dalawa lalo pa’t may tweet ang mga bubuwit na hindi pa annulled ang kasal ni guy sa dati nitong karelasyon.
Recently naman, umuugong ang balitang nagkabalikan na ang dalawa.
Ang siste kasi, binura ni Bela sa kanyang IG ang anunsyo ng kanilang hiwalayan ni Martin.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers nang mapag-usapan ang isyu sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
“So, nahilot ang gusot.”
“Baka naman hindi talaga breakup kundi cool-off.”
“Ay, bakit binura. Sa palagay ko, back in each other’s arms ang dalawa.”
“Kaya nga, nahiwagaan ako na pagkatapos ng breakup, sighted pa silang nag-date kasama ang ilang friends.”
“Baka may sabit pa si guy kaya low-key muna.”
“Happy for them kung nagkabalikan sila.”
“Why too soon ang reconciliation after her announcement of breakup?”
“Na-realize siguro nila that they really love each other.”