Home METRO Arki stude sa Lipa tinodas sa halagang P10K; 2 suspek, huli

Arki stude sa Lipa tinodas sa halagang P10K; 2 suspek, huli

1
0

LIPA CITY, Batangas – Arestado ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpatay kay Jazmine Iya Martinez, 20-anyos na third-year architecture student ng National University-Lipa.

Kabilang sa mga naaresto ang isang lalaking tinukoy ng mga awtoridad na umano’y mastermind sa krimen at ang isa pang suspek na sinasabing inupahan upang isagawa ang pagpatay.

Ayon kay Lipa City police chief PLtCol. Aleli Buaquen, nahuli ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon nitong Linggo, mahigit 10 araw matapos ang insidente.

Pinatay si Martinez noong gabi ng Oktubre 14, 2026 habang naglalakad pauwi mula sa paaralan sa Barangay Duhatan, Lipa City.

Sinabi ng pulisya na natunton nila ang umano’y gunman matapos suriin ang mga kuha ng closed-circuit television o CCTV bago nangyari ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon upang mabuo ang kaso laban sa mga suspek at matukoy ang buong motibo sa pagpatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here