Home TOP STORIES Matinding init, posibleng magpababa sa bilang ng bibisita sa Pasay cemetery ngayong...

Matinding init, posibleng magpababa sa bilang ng bibisita sa Pasay cemetery ngayong Undas – Mayor Calixto-Rubiano

3
0
(c) Cesar Morales

PASAY CITY – Posibleng bumaba ang bilang ng mga bibisita sa Pasay City Public Cemetery ngayong Undas dahil sa matinding init ng panahon, ayon kay Mayor Imelda Calixto-Rubiano.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na mula sa dating tinatayang 12,000 hanggang 15,000 bisita, posibleng nasa 10,000 na lamang ang magtungo sa sementeryo ngayong taon.

“Tinataya po nating magkakaroon ng pagkabawas ang mga bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay… Ito po ay sa kadahilanang nakikita natin ang epekto ng El Niño, napakainit po ng panahon. Maging ang mga nagsisipaglinis sa mga puntod ay kaunti kumpara sa dati,” ani Calixto-Rubiano.

Pinangunahan ng alkalde nitong Martes, Oktubre 27, ang ocular inspection at site maintenance operation sa sementeryo kasama ang mga opisyal ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at iba pang kinauukulang ahensya.

Bahagi ito ng maagang paghahanda ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang seguridad at maayos na paggunita ng Undas 2026.

Kabilang sa mga hakbang ang deployment ng fire tankers, water flushing sa mga kalsada at paligid ng sementeryo, at clearing operations laban sa illegal structures at iba pang obstruction.

Kinuha rin ng city impounding service ang mga asong gala sa lugar upang maiwasan ang insidente ng kagat ng aso.

Nagpaalala rin si Calixto-Rubiano sa publiko hinggil sa mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng itak, kutsilyo, sound system at baraha.

Mas mahigpit din umano ang pagbabantay sa mga lighter at iba pang maaaring pagmulan ng sunog.

Isinasaalang-alang din ng LGU ang pagtatalaga ng designated personnel na siyang tutulong sa pagsisindi ng kandila upang mabawasan ang fire risk.

Maghahanda rin ang Pasay City government ng inuming tubig para sa mga bibisita bilang tugon sa matinding init ng panahon.

Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here