Home METRO Pasay Public Cemetery, ininspeksyon, nilinis para sa Undas 2026

Pasay Public Cemetery, ininspeksyon, nilinis para sa Undas 2026

1
0

PASAY CITY, Philippines – Nagsagawa ng maagang preparasyon para sa kaligtasan ng mga taong magsisidalaw sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay sa Pasay City Public Cemetery ang local government ng naturdng Lunsod.

Pinangunahan ni Mayor Imelda Calixto-Rubiano, ang mga opisyal mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mahahalagsng  interagency heads, sa  ocular inspection at site maintenance operation sa Pasay City Public Cemetery ngayong Martes October 27, 2026.

Ang aktibidad ay bahagi ng proactive measure para tiyakin ang kaligtasan, pagiging maayos at  peacefulang paggunita sa  Undas 2026 bago ang tinatayang pagdagsa ng bibisitang  publiko.

“Tinataya po nating magkakaroon ng pagkabawas ang mga bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay, mula sa dating 12,000 hanggang 15,000 katao tungo sa 10,000 na lamang ngayong Undas. Ito po ay sa kadahilang nakikita natin ang epekto ng el niño, napakainit po ng panahon. Maging ang

mga nagsisipaglinis sa mga puntod ay kaunti kumpara sa dati ” sabi ni Mayor Emi Calixto sa panayam ng REMATE.

Kabilang sa isinagawang paghahanda ang pagtatalaga ng fire tankers, water flushing ng mga daan at paligid ng sementeryo at clearing ng illegal structure at obstruction sa loob mismo ng naturang lugar.

Maging ang mga asong gala ay kinuha ng impounding service ng Lunsod upang masiguradong walang mga taong makakagat ng aso.

Nagpaalala rin si Mayor Emi Calixto Rubiano sa mga bawal  sa loob ng sementeryo katulad ng mga itak, kutsilyo, sound system , baraha at maging panindi ng kandila ay maselan na ring babantayan.

“Kasama na rin po sa ipinagbabawal ang lighter na madaling pagsimulan ng sunog”, sabi pa ni Mayor Calixto.

Ikinukunsidera ng Lgu na magkaroon ng designated na tao na siyang mag iikot at magiging reponsable sa pagsisindi ng kandila .

Kabilang sa ibibigay na probisyon ng Pasay City Lgu ang paghahanda ng inuming tubing pantugon sa sobrang init ng panahon. (Dave Medina)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here